Ang laman ng isang box:
- Rejuvenating toner
- Rejuvenating cream (night)
- Sunblock cream (day)
Eto naman yun kanilang claim at procedure on how to use na makikita sa likod ng box:
So ang Brilliant rejuvenating set is for skin lightening, anti acne anti aging na rin.
At kung may allergy or medyo iwas ka sa isang ingredient na ginagamit sa beauty product, eto naman yun ingredients ng bawat produkto:
Sunblock
- May hapdi siya kaya tiis ganda talaga. Hindi na kasi ako bago sa paggamit ng rejuv set kaya kinakaya ko na yun hapdi.
- Wag ibabad ng matagal sa mukha ang sabon habang dumadaan sa peeling stage, mga 20 secs puede na para di mamula.
- Dampi dampi lang ang pag apply ng toner. Hindi kasi ito cleansing toner kaya hindi dapat gamitin na katulad ng Eskinol.
- Laging mag apply ng sunblock. Kahit hindi lumalabas ng bahay nag apply pa rin ng sunblock. Kung maari mag apply every 3 hours.
- 1 month lang puede gamitin ang rejuvenating set. Tapos magpahinga muna ng 1 month bago gumamit uli(puede gumamit ng brilliant maintenance set habang naka-rest sa rejuv).
Update:
(Late ko na naisipan i-share ito kaya wala ako before picture puro kasi filtered mga old pic ko🤣)
day 12
- na lighten skin ko
- medyo nagbabalat pa rin (nag start akong magbalat ng ika 7 days)
- natuyo na yun mga pimples (dami ko lang warts🤣🤣🤣)
Day 15
(With powder and blush on)
- Visible pa rin yun mga natuyong pimples(ayoko kasing kutkutin hayaan ko na lang matangal ng kusa)
- May glass skin effect na (di na ko nagamit ng highlighter para magkaroon ng konting kintab ang mukha ko)
- Hindi na visible yun mga pores ko.(dati kitang kita yun malalaking pores ko sa noo at ilong sa picture kaya need ko lagi mag enchance ng pic, ngayun no need na ng photo editor).
0 comments:
Post a Comment