Nang tinanong ako ng husband ko kung ano ang gusto kong birthday gift....siyempre, tablet ang sinagot ko.
Kaya pagka-sueldo nya punta agad kami sa Alimall Cubao para humanap ng tablet. Unang booth na napuntahan namin ang torque, magaling mag-demo ang salesman kaya binili ko agad ito.
Lahat naman ng gusto ko sa isang tablet ay nasa torque tablet na bukod sa bluetooth. At isa pa mura lang siya....3,699 pesos lang. Kung low-end tablet lang ang gusto mo, recommended ko na itong Torque droidz flash. Mas okay na ito kaysa sa mga nagkalat na China tablet na nabibili sa mga Mall ngayun, at least ang Torque may service center. Pag nagkaroon ako ng problema sa unit ko may malalapitan ako.
So far, okay naman gamitin ang tablet na ito. Laking tulong niya sa trabaho ko at pang-back up ko pa sa netbook ko.
TORQUE DROIDZ FLASH SPECIFICATION:
- Android 4.0 (Ice Cream Sanwich)
- Boxchip 1.2ghz
- 7.0"WVGA 800X480 capacitive touchscreen
- Multi-touch zoom
- Rom: 4gb/ Ram: 512mb
- Dual camera: 2mb rear/vga front
- Wifi
- 3.5mm Stereo headset jack
- Full HD video (1080p) player
- Ports: Standard usb + mini usb + mini HDMI
- Micro-sd up to 32gb
- 3-axis gyro/accelerometer
- Slim Form Factor
- Over 150,000 apps from android market
1 comments:
Hi Reyah's thanks for visiting, you can also make a review with that tablet.
Post a Comment