Custom Search

Sunday, August 10, 2014

Dingdong Dantes Wedding Proposal

Love, Love, Love!
Grabe kinilig ako dito...
Congratulation to both of you!

The Royal Engagement: Marian Rivera and Dingdong …: http://youtu.be/dlYKuOPVfp4

(Picture from Marian Rivera Facebook page & video from gma network you tube account)

EVER BILENA LIP AND BLUSH GLOW


I Love their new products! Specially yun blush glow. Yun lip glow naman, nagbibigay siya ng natural pink color sa labi mo, but for me kasi rnas gusto ko ang red lips. And maganda dito...very affordable, 80.00 per tube lang.

Sunday, February 16, 2014

Le Freva - Tagaytay Budget Accomodation

Dito kami nag overnight ng husband ko nuong nagpunta kami sa Tagaytay. 1,500 ang rate nila for 24 hours pero since less than 24 hours na kami nag check in, binigay na sa amin ang room ng 1,300. Non-aircon lang ang kuwarto pero sobra lamig nung nagpunta kami sa Tagaytay kaya hindi na talaga kailangan ng aircon.
Ang kagandahan dito ang ganda ng location niya malapit lang ito sa 7/11 sa Olivares.


Posted via Blogaway

Saturday, January 4, 2014

Watsons Hair Removal Cream

Super hate ko talaga yun magbunot ng hair sa armpit kaya nag-try na lang ako nag-shave. Kaso ang resulta.....nakaka-itim ng armpit.
Then nabasa ko sa isang blog ang tungkol sa hair removal cream kaya isinama ko na siya sa aking shopping list.
Pagdating ko ng SM department store, nakita ko itong Watsons hair removal cream for sensitive skin. Compare dun sa isang leading brand mas mahal ito ng 2 pesos kaso doble naman ang laki nito(Watsons 50g = php 109.00 ; Veet 25g = php 107.00).
Pagkauwi ko ginamit ko agad.  Effective nga siya, malinis ang pagkatangal ng buhok at hindi naman nakaka-dry ng skin.


Posted via Blogaway

Wednesday, April 3, 2013

MA MON LUK IN QUIAPO

Nagpunta kami ng husband ko sa Quipo kanina para bumili ng uniform niya sa work.  Siyempre hindi puede na di ko puntahan ang paborito kong kainan dito,ang Ma mon luk.
Sayanng nga lang at hindi available yung beef mami nila kaya special mami at siopao na lang ang inorder namin.
Special mami: 105.00;Siopao: 60.00

Wednesday, January 16, 2013

MY NEW TABLET

Nang tinanong ako ng husband ko kung ano ang gusto kong birthday gift....siyempre, tablet ang sinagot ko.
Kaya pagka-sueldo nya punta agad kami sa Alimall Cubao para humanap ng tablet. Unang booth na napuntahan namin  ang torque, magaling mag-demo ang salesman kaya binili ko agad ito.



Lahat naman ng gusto ko sa isang tablet ay nasa torque tablet na bukod sa bluetooth. At isa pa mura lang siya....3,699 pesos lang. Kung low-end tablet lang ang gusto mo, recommended  ko na itong Torque droidz flash. Mas okay na ito kaysa sa mga nagkalat na China tablet na nabibili sa mga Mall ngayun, at least ang Torque may service center. Pag nagkaroon ako ng problema sa unit ko may malalapitan ako.
So far, okay naman gamitin ang tablet na ito. Laking tulong niya sa trabaho ko at pang-back up ko pa sa netbook ko.



TORQUE DROIDZ FLASH SPECIFICATION:

- Android 4.0 (Ice Cream Sanwich)
- Boxchip 1.2ghz
- 7.0"WVGA 800X480 capacitive touchscreen
- Multi-touch zoom
- Rom: 4gb/ Ram: 512mb
- Dual camera: 2mb rear/vga front
- Wifi
- 3.5mm Stereo headset jack
- Full HD video (1080p) player
- Ports: Standard usb + mini usb + mini HDMI
- Micro-sd up to 32gb
- 3-axis gyro/accelerometer
- Slim Form Factor
- Over 150,000 apps from android market

Sunday, December 30, 2012

NIVEA FRUITY SHINE LIP BALM


I am a fan of Maybeline products pero para maiba naman, subukan ko naman itong Nivea lip balm. I got this yesterday sa Watson at 84 pesos.


This lip balm gives a bit of pink color to my lips kaya kahit hindi ako mag-apply ng lipstick ay okay lang.

Subscribe to my Email List:

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Subscribe Now: