Custom Search

Sunday, December 30, 2012

NIVEA FRUITY SHINE LIP BALM


I am a fan of Maybeline products pero para maiba naman, subukan ko naman itong Nivea lip balm. I got this yesterday sa Watson at 84 pesos.


This lip balm gives a bit of pink color to my lips kaya kahit hindi ako mag-apply ng lipstick ay okay lang.

Wednesday, December 26, 2012

MY NEW MINI BAG ORGANIZER

Sa mga taong madalas magpalit-palit ng gamit na bag kagaya ko, advisable ang pag-gamit ng bag organizer. Dito naka-organize na lahat ng bagay na lagi kong dala-dala tuwing ako ay umaalis. Okay ito lalo na pag ako ay nagmamadali at kailangan kong magpalit ng bag, yun bag organizer na lang ang ililipat ko, naka-save pa ako ng time.
Nabili ko itong 12 pocket bag organizer sa stationery section ng SM Centerpoint sa halagang PHP 149 lamang.


MONEA CURL DEFINING MILK

Na-discover ko ito sa isang officemate ko. Mahilig talaga akong magkulot ng buhok and ang dami ko nang na-try na hair lotion para mas lalong gumanda ang kulot ng buhok. At nagustuhan ko itong Monea curl defining milk, kaya bukas magkukulot ulit ako para magamit ko na ito.


Wednesday, December 19, 2012

KNOT-KNOT AT PSPCA

Schedule ng 5 in 1 vaccine ni Knot-knot kanina, kahit mahaba ang pila enjoy ko talagang maghintay doon kasi nakakatuwa yun mga aso na nagpapa-check up doon.




Mura lang ang services sa PSPCA, 5 in 1 vaccine cost only 300 pesos, check-up is 80 pesos.

Tuesday, December 18, 2012

I AM NOW CONVERTING MY BLOG

Yes, starting today i will convert my blog from english to tagalog language blog.Gusto kong maging aktibo sa pag-post dito sa blog na ito. Ito ay magagawa ko lamang kung gagamitin ko ang aking sariling lenguahe, madali ito para sa akin. At siyempre, makakaiwas na ako sa mga puna sa paggamit ko ng English grammar.

At para naman sa mga reader ko sa ibang bansa, nag-lagay ako ng language translator sa widgets ko. Sana ay maunawaan nila ako sa desisyon kong ito, gusto ko lang ay malaya kong maipahayag ang nais ko at nalalaman sa pamamagitan ng blog na ito na hindi ako nagdadalawang isip na baka hindi ko maihayag gamit ang ibang wika.

Sunday, December 9, 2012

GEHENNA The Final Episode




GEHENNA – The Final Episode
December 13, 2012 | Thursday | 7:00PM
@ Cuneta Astrodome
Tickets are available!
Ticket Price: P250/150
For the benefit of Project G-CCOTE(Gospel,Church Center,Operation-Tulong,Education)

Subscribe to my Email List:

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Subscribe Now: